Huwebes, Pebrero 16, 2012

WIKANG PAMBANSA SANHI NGA BA NG PAGKAKAISA? . . .


Pilipinas ang ating lupang tinubuan. Ito ang tahanan ng ating lahi, Bagamat ang pilipinas ay maliit na bansa , itoy tinaguriang perlas ng silangan. Ano ang nalalaman mo tungkol sa ating wikang pambansa?
Sa dakong silangan nitong daigdig , pinagpalang bansa ay matatagpuan , ganda ng tanawin ay talaga namang hinahangaan, kaya’t ang taguri’y perlas ng silangan. Bagamat lupain dito ay pulu-pulo, mamamayan naman ay nagkakasundo, palibhasa’y nagmula sa isang ninuno at lahi kaya’t isipan at diwa’y hindi nagkakalayo. Iba- ibang lipi at magkaibang wika ngunit Filipino ang wikang pambansa na siyang nagbubuklod sa isipan at diwa, damdaming iisa, tinig ay Malaya!. Mga dakilang bayani na magiting na lumaban sa mga dayuhan sukdulang inihandog ang buhay sa bayan makamtan lamang mithiing kalayaan at kasarinlan. Ayon nga sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.

 
Bago pa dumating ang mga kastila noong 1521 , ang mga katutubo ay may sarili nang paraan ng pagsusulat. Ang katutubong abakada ay tinawag nilang “Baybayin o Alibata” na siyang binubuo ng 3 patinig at 9 na katinig. Sa panahon ng pamahalaang komonwelt sa pangunguna ng dating pangulong si Manuel Luis Quezon na dapat magkaroon ng pambansang wika ang pilipinas na tinaguriang ama ng wika. Sadyang mayaman ang ating wika taglay nito ang mga katangian ng mga wika sa daigdig gaya ng hebreo, griyego, latin at kastila. Ito ang sanhi kung bakit Filipino ang pambansang wika na ating ilaw at lakas sa tuwid na landas.
 
 
 
Rhoan Tugade Acena
The Blog Maker

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento